tabulas.com

About Me

Eto po ay site ko, na kung saan mababasa nyo ang pangaraw-araw na aking ginagawa!!
your name:

url:

your message:

October 23rd, 2004

Sembreak naaa!!

Posted by pinkishgal at 06:56 PM on October 23, 2004.

Sembreak na po namin simula Oct. 25 - Nov. 2
pero akala nyo maghahappy happy kami, di nohh
marami kaming projects na gagawin katulad ng INVESTIGATORY PROJECT, pre-oral defense na sa Nov. 3 at hanggang ngayon ay wala pa kaming topic na napipili ng group ko.
Bale 3 kaming magkakagroup: Ako, April, at Aereen.
Bukas pupunta sila dito para maasikaso na namin yung i.p.

Alam nyo ba may 2nd fieldtrip kami sa December....basta first week ng December, alam nyo kung saan?? Sa ECHANTED KINGDOMMM!!
Woowwww...ang saya-saya ko. Ewan ko kung baket napagisipan ng principal na pumunta doon, kapalit ata ng JSPROM, mas magastos kasi raw mag JS ehhh. Pag Senior na siguro kami mag-gaganon.


Craving: Cheese sandwich
Currently listening to: fly me to the moon - utada hikaru
Currently feeling: awake

make a wish?

October 8th, 2004

Investigatory project : I NEED IT NOW!!

Posted by pinkishgal at 07:05 PM on October 8, 2004.

OMG!! Kailangan ko po ngayon ng investigatory project in chemistry.
Baka naman may alam kayo kung saan ako makakakuha, or kung meron man kayo comment nalang kayo dito sa entry na to.
Please...kailangan ko kasi para sa Oral Defense namin, wala pa kasi kaming napipiling topic, ang hirap maghanap ehh.

make a wish?

October 3rd, 2004

Newlayout poohhh!

Posted by pinkishgal at 03:38 AM on October 3, 2004.

Woww! diba gaya ng sinabi ko noon, ay gagawa ako ng layout ng blog ko, sorry pero sa totoo lang di ako gumawa nito, wala na kc akong time gumawa ng layout ehh kaya nagdownload nalang ako sa http://www.aethereality.net.

Don't worry, next time, promise gagawa na talaga me.
Currently listening to: can you keep a secret - utada hikaru

make a wish?

October 1st, 2004

sermon nanaman

Posted by pinkishgal at 05:53 AM on October 1, 2004.

kaninang umaga, meron kaming PANEL DISCUSSION, bale merong 4 topics kaming pagpipilian sa group namin ay.... WOULD THE ACTORS EFFECTIVE AS A GOVERNMENT OFFICIAL?

Bale, sa akin ay EFFECTIVE....kinakabahan panga ako kasi di talaga ako ready, buti nalang nagpaturo ako sa ate ko bago ako umalis ng bahay. Eh, nung after ng group namin magpresent yung isang group...napagalitan ni Sir Edillo, kasi yung iba raw nakatunganga, tapos wala raw connection yung mga sagot nila sa mga tanong ng host/anchor.
Kaya tuloy sa Monday ulit sila magprepresent.

----------------------------------------------------------
++++++++UPDATES ON LAYOUT+++++++++
----------------------------------------------------------

Sa susunod na update ko dito..papalitan ko na to, kasi ilang
buwan ko naring di napapalitan yung layout ng blog ko, since July pa ata ito ehh...

Btw, isa nga pala akong moderator ng forum sa http://aranai.com/illustration/phpBB2/index.php
Currently listening to: tian bian - angela zhang
Currently feeling: ecstatic

make a wish?

September 30th, 2004

IPINAGBABAWAL ???

Posted by pinkishgal at 08:00 AM on September 30, 2004.

Bawal na raw mag-INTERNET sa mga Computer Shop pag school days .
Grabehh, ang raming nagreact dito dahil syempre lahat tayo'y gumagamit ng computer para sa project, mga laro, chat, at iba pa. Pinagbawal na ng SCHOOL PRINCIPAL ng OLPS na di ka pwedeng pumasok sa mga computer shop kapag school days from 6:00 am to 6:00 p.m maliban lang pag sabado at linggo...at dapat raw ay di naka school uniform.

Pano naman kc ang raming gumagawa sa amin ng ganon, mas nanaisin pa nilang maglaro kesa mag-aral. Kahit nga umaga palang eh marami nang estudyante ang pumapasok.....sa COMPUTER SHOP.

Ako na obserbahan ko narin ito, at meron narin akong nakita na 6:20 palang ay naglalaro na ng RAGNAROK.
RAGNAROK ang pinakabagong RPG online game.
Halos marami narin ang nababaliw dito ( exaggerated naman )
Eh kung ako ehh ipagbabawal ito noh, pero unfair sa iba kc hindi lahat ay may sariling computer. HAyyyyy...buti nalang meron kami, kasi mahirap kc pagwalang computer, magastos yon ehh.

---------------------------------------------------------------
+++++++++++CHANGE TOPIC+++++++++++++
----------------------------------------------------------------

Intrams: tuloy o hindi?

Ang kulit talaga ng principal ng school namin, ang gulo2x
pano kc porket nagkalat lang yung mga estudyante na
nagpractice ng volleyball sa quadrangle at di nila nilinisan
hindi na itinuloy yung intrams... cguro nahiya yon, pano kc napagalitan rin ng madre (malapit sa simbahan) katabi lang kc ng simbahan yung school namin. Sa ngayon, Grade School lang yung may intrams, at kami naman ay nakastay lang sa classroom, at syempre may lesson, grrrr...
Sana nga next week ehh may intrams, kasi mas masaya pag ang HS ang naglalaban. Sa monday nga pala opening na ng CAPSAA sa YNARES CENTER gaganapin. Sana isa kami sa pupunta doon, para walang klase...hehehe!!
Currently listening to: You Ni Zhen Hao - Rainie & Fan Wei Qi
Currently feeling: confused??

1 wishes

« | »